Bilang bahagi ng pagsusulong ng “right to health” ng publiko, narito ang panibagong ambag sa aming seryeng “Kaunting Kaalaman para sa Kalusugan at Kalikasan.”

Hindi maihihiwalay ang kalusugan ng tao sa kapaligirang kanyang ginagalawan. May direktang epekto sa ating kalusugan ang mga lasong kemikal na naglipana ngayon bunga ng iba’t ibang aktibidad sa lipunan. Ating alamin anu-ano at paano maiiwasan ang mga lasong kemikal na ito.