12 December 2024

Nagkalat ngayon sa mga pamilihan ang mga laruan na nagtataglay ng mga nakalalasong kemikal na lubhang mapanganib sa kalusugan ng mga bata, at maaaring makapinsala sa kalikasan.
Sa bagong pag-aaral na inilabas ng BAN Toxics, natuklasan na maraming ibinebenta sa mga palengke at bangketa na mga mumurahing plastic na laruan ang nagtataglay ng mga lasong kemikal tulad ng lead, mercury, cadmium, arsenic, at bromine. Ang naturang mga kemikal ay maaaring magdulot ng iba’t ibang klaseng sakit at maging pinsala sa utak ng mga bata.
Narito ang ilang TIPS upang masigurong ligtas ang bibilhin na laruan:
1. BUMILI NG LARUAN MULA SA KILALANG TINDAHAN
Mas malamang na sumusunod sa mga pamantayan sa kaligtasan ang mga kilalang kumpanya.
2. TIYAKING REHISTRADO AT MAYROONG NOTIFICATION MULA SA FDA ANG MGA LARUAN
Ang Food and Drug Adminstration (FDA) ang nagsusuri at nagtitiyak na ang mga ibinebentang laruan ay ligtas.
3. HUWAG BUMILI NG LARUAN NA WALANG MAAYOS NA PRODUCT LABEL AT INFORMATION
Sa ilalim ng RA 10620 “Toy and Gaming Safety Act of 2013,” kinakailangan na ang lahat ng mga laruang ibinebenta sa bansa ay mayroong safety labeling. Ang mga laruang walang safety label at information ay kadalasang hindi sumusunod sa health and safety regulations at maaaring nagtataglay ng nakalalasong kemikal.
4. IWASAN ANG MGA LARUAN NA MAY MATAPANG NA AMOY
Ang matapang na amoy ay maaaring tanda ng presensya ng mapanganib na kemikal.
5. PUMILI NG LARUANG GAWA SA LIKAS NA MATERYALS
Mas ligtas ang mga laruan na gawa sa kahoy at mga organikong materyal.
Pangalagaan ang kalusugan ng ating mga anak! Ngayong Kapaskuhan, tiyaking ligtas ang mga pangregalong laruan!
Basahin ang pag-aaral sa link na ito: bit.ly/3V8gwQX
